"Hindi na kita mahal maari ka ng maka-alis''




Ngayong wala ka na, hanggang kelan ako lilisan. 
Sa pag-ibig natin na nag-tungo sa tulisan 
Ilang buwan ba dadamayan ng lungkot 
Bakit hanggang ngayon hindi parin makalimot
Pag-ibig na akala koý sapat,
Libong sakit pala ang katumbas
Hindi na ba kayang gamutin ng kahit anong lunas
May pupulot pa ba sa pusong' nakakalat
Hanggang kailan kaya hihinto sa kakaasa
Na balang araw sasabihin na ikaý mahal parin
Wala na ba talagang pangalawang pag-asa
Bakit hindi kaya na akoý muling lingunin 
Hindi na ba talaga maibabalik ang nakaraan
Para naman sana naihanda ko sarili ko masaktan 

May pagkakataon pa ba upang hilumin ang mga sugat
Itong sakit na to hanggang san ba ang sukat
Ilang buwan na ang nakalipas 
Pero patuloy parin na tumatagas 
Ang sakit na ikaw lang rin ang lunas
Pero pagod na ang tadhana 
At tayo ay hindi na nakasulat sa mga tala
Bakit ba mahirap tanggapin na ika'y lumisan na 
Habang ako patuloy parin naikot sa iyong sinta



No comments:

Powered by Blogger.